The Avengers Premiere
(via pretty-little-liars-lovers)

♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡
Name: Angelito Gino-Gino
Address: Mulawin Street, Atahan Compound Looban Dos Lomadigato, Marilao Bulacan
Age: 63 years old (pero baby face parin si lolo. hehe)
Birthdate: October 7, 1948
Elementary: Navotas
Highschool: Malabon
College: Far Eastern University (FEU)
*Mas pinili daw ni lolo ang business niya na pagtitinda ng ice drop at sigarilyo kaya napilitan siyang huminto nung College na siya..
♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡
➨ FAMILY BACKGROUND
Si Lolo lito ay may dalawang asawa. Yung una niyang asawa ay si Lola Milagros Reyes, 65 years old na nakatira sa Navotas City. Mayroon silang limang (5) anak na sina:
- Angelita Reyes Gino-Gino
- Ma. Victoria Reyes Gino-Gino
- Catalina Reyes Gino-Gino
- David Reyes Gino-Gino
- Antonio Reyes Gino-Gino
Silang lahat naman daw po ay sinusuportahan si Lolo. Mayroon po siyang walong (8) apo sa kanyang limang (5) anak sa una niyang asawa. Dalawa ang napagtapos ng kanyang panganay na anak na nagtrabaho sa Japan. Com.Science at Art ang natapos nung dalawang anak niya sa una. Sabi ni lolo, iniwan niya ang una niyang asawa na may naipundar para sakanila tulad ng bahay at lupa at nabigyan niya ito ng maganda buhay dahil may tatlong trabaho si lolo noon: Agwador ng tubig (pag-iigib ng tubig sa mga bahay bahay), pagtitinda ng sigarilyo habang isa siyang pedicab driver. 1969 ng siya ay nagstart sa pag-iigib ng tubig. March 13, 1984 ng madyaryo si Lolo sa People’s Tonight :)
*Nagkaroon siya ng pangalawang asawa dahil hindi siya yung nagpirma nung nagpatali (ligate) yung asawa niya kung hindi yung bayaw niya dahil ayon kay lolo Lito, ayaw niya yun dahil gusto talaga niya magkaroon ng maraming anak (12 na anak to be specific) dahil masaya daw pag maraming anak at noong panahon nila, paramihan daw talaga ng anak. At dun siya naghanap ng pangalawang asawa na si Lola Pacita Dela Cruz (55 years old. Ito yung kasama niya sa Bulacan ngayon). Mayroon silang apat (4) na anak na sina:
- Analee Dela Cruz Gino-Gino
- Ma. Cristina Dela Cruz Gino-Gino
- Angelo Dela Cruz Gino-Gino
- Paulito Dela Cruz Gino-Gino
ngunit walang natapos sakanilang apat sa College, high school lang. Ayon kay lolo, ang pangalawa niya pamilya ang mas nangangailangan ngayon. Hindi na niya nakakasama sa pagtitinda ang asawa niya dahil sa may Glaucoma daw siya. Sobrang labo na ang mata at sabi ni lolo, 1000+ na yung grado ng mata ni Lola Pacita kahit gustong gusto niya itong makasama. Tinanggihan na daw kasi siya ng doktor everytime na ipapatingin siya.
*May isang ampon po si Lolo Lito na si Angeline. Mag one year old ng inampon niya ito at ngayon, she’s turning 7 sa October :)
*Pinagsisihan na daw ni lolo yung ginawa niya dahil alam niyang mali yung ginawa niya sa una niyang asawa. Praise God at nakilala niya at na-encounter niya si Lord :)
♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡
MORE ABOUT LOLO LITO
Si lolo Lito ay walang bisyo kahit na nagtinda siya ng sigarilyo noon. Ayon sakanya “Ang bisyo ko lang talaga ay kumain ng kumain kaya highblood lang ang katapat ko”, pabirong sinabi ni lolo. Hehe! Isda at gulay ang paboritong pagkain ni lolo..
MASARAP KASI ANG BUHAY - LOLO LITO ❤
♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡
➨ ANG MGA TINDA NIYA AY MALINIS!
Ang mga tinda ni lolo ay kinukuha niya sa Bulacan. Sa tabing bahay nila, home-made po ito at sabi ni lolo kahit pa-imbestiga pa nila ang mga tinda niya ay malinis talaga ang mga ito hindi katulad ng mga nakikita sa TV na naiimbesitiga dahil sa kalinisan. O diba? Ano pa ginagawa ninyo? Bili na po tayo! :)
♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡
➨ SPECIAL MENTION by LOLO LITO
Sabi ni lolo marami na siyang nakilalang mga tao na pilit siya pinagtatabuyan. Sabi pa nga daw ng iba “Bibili ako sayo ngayon pero bukas ayaw na kitang makita”, sabi ng mga security guard sa —— (Wag na po natin ilagay yung lugar para walang issue. Ipag-pray nalang po naten).. Sabi pa nga ni lolo at sobrang naluha ako dito, “Pag pinagtatabuyan nila ako, okay lang. Ayoko magtanim ng galit e kaya humihingi nalang ako sa langit.” O diba? Pambihira talaga si lolo :( Malapit daw talaga ang mga tao sa Holy Angel University (HAU) at Angeles University Foundation (AUF) dahil doon nga siya madalas magtinda. “NAPAKABAIT NILANG LAHAT” -lolo
Yung mga batang nakikita po natin na kasama niya sa may AUF ay tumutulong po sakanya sa pagtitinda okaya naman kapag may pupuntahan sandale si lolo, pinauubaya niya ang mga tinda niya sa mga batang iyon. Mababait silang lahat. Sinasayawan pa daw ni lolo ang mga batang ito (sweet lolo) “IBA SILA” -lolo
*Gustong gusto ni lolo na kahit bata lang ang nagsasalita, pinakikinggan niya ito dahil madami siyang natutunan. Ayaw niya yung “Mas matanda ako sayo kaya mas marami akong alam sayo (how humble lolo)” dahil sabi ni lolo, lahat tayo ay may kanya kanyang kwento na pwedeng mapabago ang buhay ng tao kaya gustong gusto niyang nakikinig sa mga mas bata sakanya dahil natututo siya lalo :)
Nakwento niya rin si Ptr. Jerry (from His Life), noong kasagsagan ng ulan, dinala ni Ptr. sina lolo kasama yung apo at misis niya sa SOGO. “5th floor ata un. hehe” (natandaan pa talaga ni lolo saang floor. hehe) Pagbukas daw ng pinto sa room nila, tuwang tuwa daw sila dahil dun sila matutulog. “Yung apo ko sobrang saya dahil nakita niya yung kama sobrang ganda tapos nag shower siya. Tapos ng kinaumagahan, shower siya ulit kaya hindi ko na nakuhang pang makaligo pero ayos lang. hehehe” (sweeeeet talaga ni lolo)
Ang buhay ay parang asin. Kahit ano man lutuin mo, kung walang asin, hindi sasarap yan. katulad din sa isang bahay, kapag walang asin, walang lasa yan. -lolo Lito
Special mention(s):
Ang mga nursing sa AUF mababaet. Sinusuportahan ako tapos binibigyan ako ng pagkaen. Katulad nina Ma’am Heidy pati yung lagi niyang kasama, Aira Medina, Dona David, Joanna Cabrera at si Cristine Flores (HRM). Pati si April Grace Gigante (from His Life).. Binigyan ako ng bike nina Camille Dela Cruz (ng tinanong ko kung nasan, sabi niya lang “nandun. naka ribbon pa e. hehe” -lolo Lito
➨ Si lolo ay natutulog po sa tapat ng Manson Drug sa may AUF. Kung saan po nakapwesto yung nagtitinda ng fishball :)
▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪
Maraming salamat po sa lahat ng nakabasa nito. Keep on praying po ha?
Ito po ung page ni lolo para sa mga tanong at dagdag na kaalaman. Nandyan po lahat ng mga updates para kay Lolo. Godbless you po! To God be the glory! :)
http://www.facebook.com/marymhayesabileroque#!/ISupportLoveLoloLito
*If you don’t have time to do it right, when will you have time to do it over? Come on! Gisingggggggg! LET US GIVE EXCEPTIONALLY AND GOD WILL MULTIPLY! :)